PlaceTubeThe places in YouTube travel videos, on a map

FULL RIDE EXPERIENCE: Cagsawa's New Thaco Sleeper Bus from PITX to Tabaco City

Dito ang Sakayan ·

Open in PlaceTube Watch on YouTube

FULL RIDE EXPERIENCE: Cagsawa's New Thaco Sleeper Bus from PITX to Tabaco City

Places in this video

  1. Cagsawa Terminal E. Rodriguez ▶ 0:24

    Nagpapasalamat ako kina Sir Marvs at Gabcee sa walang sawang pag-invite sa mga launch ng bagong buses. Ako si Renz at naglalakad ako ngayon papunta sa terminal/garage ng Cagsawa dito sa Quezon City bago mag-alas 5 ng hapon.

  2. Welcome Rotonda ▶ 0:52

    Dahil dito ang sakayan at starting point ng bagong sleeper bus going to Tabaco. Located ang terminal na ito, ayun yung Welcome Rotonda, ang premium ride natin for today's video.

  3. Skyway ▶ 3:29

    Ngayon, on the way na tayo sa PITX at dadaan tayo sa Skyway para mas mabilis. Habang binabaybay ang Quezon Ave.

  4. NAIA Expressway ▶ 5:30

    Papasok naman tayo sa NAIAx pasado alas-6 na ng gabi.

  5. Ayala Malls Manila Bay ▶ 6:13

    Sa Macapagal Blvd nag-exit ang bus para makapag-uturn sa tapat ng Ayala Malls Manila Bay papunta sa isa pang pick up point.

  6. Parañaque Integrated Terminal Exchange ▶ 7:42

    Nandito na tayo sa PITX ng 6:38PM kaso pwede lang makapag-park ang bus sa assigned bay 30 mins before the scheduled time of departure kaya tatambay lang muna tayo dito.

  7. South Luzon Expressway ▶ 13:45

    Nandito na tayo ngayon sa SLEX. Kung first time mo sa isang sleeper bus, maa-appreciate mo ang chill na pagda-drive ng bus crew hanggang destination.

  8. Santo Tomas ▶ 14:49

    Eksakto alas-9 nang kumanan tayo sa Pan Philippine Hwy. Ibig sabihin ito na ang lungsod ng Sto Tomas na nag-iisang lugar sa probinsya ng Batangas na madadaanan natin. Naitatag ito taong 1666 at pinangalan bilang parangal kay St Thomas Aquinas.

  9. Alaminos ▶ 15:20

    Nasa kanan ang roadsign para sa boundary ng dalawang probinsya. Welcome sa Laguna! Alaminos ang unang bayan na madadaanan pero kumanan tayo sa Bypass Road para maiwasan ang posibleng heavy traffic sa main road.

  10. San Pablo ▶ 16:03

    Welcome sa San Pablo – ang tinaguriang "City of Seven Lakes". Ito na ang huling bayan ng Laguna na madadaanan natin.

  11. Tiaong ▶ 16:37

    Ito naman yung boundary ng Laguna at ang susunod na probinsya ng Quezon! Tiaong ang unang bayan and for some reason, hindi kumaliwa si kuya sa Tiaong Bypass Road tulad ng ibang sasakyan.

  12. MCR Foodhouse ▶ 17:57

    Ito ang MCR Foodhouse na sakop pa rin ng Tiaong, Quezon. Para sa mainit na sabaw, tara, mami tayo sa halagang 60 pesos.

  13. Candelaria ▶ 18:51

    Limang oras na tayong bumabyahe nang dumaan tayo sa Candelaria, Quezon. Fun fact: Naitatag ito taong 1879 mula sa lugar na sakop ng Tiaong at Sariaya.

  14. Sariaya ▶ 19:20

    Hindi rin lumiko ang bus sa Bypass Road pagdaan sa Sariaya, Quezon tapos unfortunately, hindi ko naman nakuhanan ang kanilang munisipyo kakatingin sa cellphone.

  15. Tayabas ▶ 19:43

    Dahil hindi tayo kumanan sa Sariaya Bypass Road, dinadaanan natin ngayon ang small portion ng lungsod ng Tayabas, Quezon.

  16. Lucena ▶ 20:03

    Welcome sa capital ng Quezon Province – Lucena. Naging city ito taong 1961. Kung hindi ako nagkakamali, first time ko yatang ma-vlog na dumaan ang bus sa ibabaw imbes na sa underpass.

  17. Pagbilao ▶ 20:40

    Ito na ang town proper ng Pagbilao, Quezon Province! Dito sa Pagbilao nagsisimula ang malalalim na lubak hanggang sa dulo ng Andaya Hwy sa Camarines Sur!

  18. Calauag ▶ 21:47

    Nang malubak sa Calauag, Quezon, hindi na ulit ako nakatulog. Pasensya na at hindi ko nakuhanan ang pagdaan sa mga bayan ng Atimonan, Plaridel, Gumaca at Lopez.

  19. Santa Elena ▶ 22:16

    Ayan sa harap ang boundary ng Calauag at ang bayan ng Sta Elena na sakop na ng probinsya ng Camarines Norte. Papunta sa kanilang town proper at iba pang bayan ng Camarines Norte ang daan sa unahan. Kumanan naman tayo sa Andaya Hwy.

  20. Guinayangan ▶ 22:38

    Small portion lang ng Sta Elena ang dinaanan kaya nandito na tayo sa bayan ng Guinayangan, Quezon Province. Pero ganoon din, small portion lang ng Guinayangan ang makikita natin.

  21. Tagkawayan ▶ 23:10

    Nandito na tayo sa Tagkawayan na naging independent municipality mula sa Guinayangan taong 1940! Tagkawayan na ang huling bayan ng Quezon na madadaanan.

  22. Del Gallego ▶ 23:43

    Nasa kanan yung roadsign na nagsasabing ito na ang boundary ng dalawang probinsya. Welcome sa Camarines Sur at ang bayan ng Del Gallego ang unang sasalubong sa atin kaya ito tinaguriang "Gateway between the Bicol region and the rest of Luzon".

  23. Ragay ▶ 24:02

    Andaya Park ang nakikita mo sa kanan so ibig sabihin nandito na tayo sa Ragay, Camarines Sur! Parte lang ito dati ng Lupi na naging independent municipality taong 1753.

  24. Lupi ▶ 24:22

    Welcome sa Lupi, Camarines Sur! Naitatag ito taong 1726 so 27 years bago naging independent ang bayan ng Ragay.

  25. Sipocot ▶ 24:41

    Nandito na tayo sa Sipocot, Camarines Sur! Ito ang bayan ng aking lola sa mother's side so noong kabataan, lagi ako nandito kada summer vacation.

  26. Libmanan ▶ 25:13

    Ito naman ang Libmanan na tinaguriang "Rice Granary of Camarines Sur". Paglagpas lang ng kaunti sa junction, kumaliwa ang bus papunta sa ating ikalawang meal stop.

  27. Pamplona ▶ 26:31

    Nandito na tayo sa Pamplona, Camarines Sur! Sa ngayon, 12 hrs na tayong bumabyahe mula sa (correction: E. Rodriguez).

  28. San Fernando ▶ 26:57

    Ito naman ang San Fernando, Camarines Sur na naging independent municipality mula sa Milaor taong 1813.

  29. St Joseph the Worker Parish Church ▶ 27:36

    Magkalapit lang ang town proper ng San Fernando at ang susunod na bayan ng Milaor kaya nandito na agad tayo sa tapat ng St Joseph the Worker Parish Church.

  30. Naga City ▶ 28:02

    Welcome sa Naga City! Nasa kanto sana ng Mcdo ang access road papunta sa terminal kaso walang bababa doon kaya dire-diretso lang tayo.

  31. Pili ▶ 29:00

    Welcome sa capital ng Camarines Sur – Pili. Kumaliwa sa Diversion Road kaya hindi natin makikita ang Pili town proper.

  32. Baao ▶ 29:49

    Ito na ang Baao, Camarines Sur! Naitatag ito taong 1590.

  33. Nabua Public Market ▶ 30:08

    Nandito naman tayo sa tapat ng public market ng Nabua, Camarines Sur! Mas maaga naman itong naitatag kaysa sa Baao – taong 1569.

  34. Bato ▶ 30:51

    Sakop pa rin ito ng Nabua pero yung kalsada sa kanan ay shortcut papunta sa town proper ng Bato. Makikita mo sa kanan ang hilera ng tindahan ng pancit bato – isang noodle dish na nag-originate sa bayan na ito ng Bato. Ito na ang huling bayan ng Camarines Sur na madadaanan.

  35. Polangui ▶ 31:40

    Welcome sa probinsya ng Albay! Kumaliwa ang bus sa terminal ng bayan ng Polangui – unang bayan ng Albay na madadaanan.

  36. Oas ▶ 33:06

    Nandito na tayo sa Oas, Albay. Ang kalsada sa kanan ang isa sa mga daan papunta sa kanilang town center.

  37. Ligao City ▶ 33:23

    Ito na ang Ligao City, Albay. Dating sakop ng Polangui then, napunta sa Oas noong 1665 and finally, naging independent municipality taong 1666.

  38. Bicol University Guinobatan ▶ 34:31

    Nasa tapat ng tayo ng Bicol University sa Guinobatan, Albay! Kilala ang Guinobatan sa kanilang longganisa (de guinobatan).

  39. Camalig ▶ 35:15

    Ito na ang Heritage Town ng Camalig. Hindi na natin madadaanan ang town proper kasi lumiko na tayo sa kanilang Bypass Road. Actually, ito ang inaabangan ko kasi ito ang kalsada na may magandang POV ng Mayon unfortunately, maulan.

  40. Daraga ▶ 35:51

    Nandito na tayo sa Daraga, Albay! Dito matatagpuan ang tourist spot at historical site na Cagsawa Ruins.

  41. Cagsawa Ruins ▶ 35:55

    Nandito na tayo sa Daraga, Albay! Dito matatagpuan ang tourist spot at historical site na Cagsawa Ruins.

  42. Legazpi City ▶ 37:02

    Welcome sa Legazpi City – capital ng Albay province.

  43. Legazpi Grand Central Terminal ▶ 37:48

    Dumating tayo sa Legazpi Grand Central Terminal ng 8:24AM. Again, ang pamasahe papunta dito ay 2,000 pesos galing ka man ng QC or PITX.

  44. Santo Domingo ▶ 39:32

    Ito na ang Santo Domingo, Albay! Libog ang dating pangalan ng bayan na ito. Napalitaan noong taong 1959. Sa ngayon, binabaybay natin ang maliit na portion ng bayan ng Bacacay, Albay.

  45. Bacacay ▶ 39:44

    Sa ngayon, binabaybay natin ang maliit na portion ng bayan ng Bacacay, Albay.

  46. Malilipot ▶ 40:03

    Ito naman ang Malilipot – huling bayan ng Albay bago ang ating destination.

  47. Tabaco City ▶ 40:23

    Welcome sa Tabaco City, Albay! Lahat ng pasahero maliban sa akin ay bumaba na sa tapat ng Tabaco City Mall.

  48. Tabaco City Mall ▶ 40:30

    Welcome sa Tabaco City, Albay! Lahat ng pasahero maliban sa akin ay bumaba na sa tapat ng Tabaco City Mall.

  49. Tabaco City Central Terminal ▶ 41:29

    Finally, nandito na tayo sa Tabaco City Central Terminal ng 9:27AM bilang end point ng byahe. Salamat sa inyo Kuya Allan at Kuya Domingo sa smooth at ligtas na byahe! Dito rin sa Tabaco Central Terminal ang sakayan ng bus paluwas at nagpipick up rin sila ng pasahero sa Legazpi bago magpunta ng Maynila.

Cities in these videos

Quezon City · Metro Manila · Parañaque · Calabarzon · Batangas · Laguna · Quezon · Tiaong · Camarines Norte · Camarines Sur · Milaor · Nabua · Albay · Guinobatan · Daraga · Legazpi City · Tabaco City